Bwisit. Nakakainis talaga. Walang kwenta.
Pag-alis nina Mama, aalis ako ng bahay, lilipat ako sa condo unit. Kasama yung kuya kong open-minded na hindi bossy, na may pasensya, na may trabaho at nakakatulong sa pamilya, at may sense of responsibility. Hindi tulad nung isa. Actually, nag-away kami. Dahil asar na asar na ko. At sinigawan ko siya at sinabi kong aalis na ko sa bahay na ‘to. At nung sumagot siyang, “Edi sige, umalis ka.”, sabi ko, “Talaga, impyerno tong bahay na ‘to eh.” At sabi niya, “Tangina, wag mo kong gagalitin ha,” sabay walk out. Pustahan, hindi ako kakain kapag siya ang nagluto at hindi agad ako uuwi ng bahay pagkatapos ng klase dahil maiilang ako pag naabutan ko siya sa bahay at kahit wala akong pasok, lalabas ako makatakas lang.
Totoo, Impyerno. Bakit????????
--Alam na ngang wala kang tulog at pagkagaling mo pa sa school eh papabilhin ka ng mga ingredients niya sa grocery gamit ang pera mo.
--Wala ka na ngang pera at lahat, uutangan ka pa dahil wala silang pang-inom.
--Magyoyosi ka lang sandali sa labas pero eto, magrereklamo sayo dahil hindi mo binabantayan yung anak niya.
--Every week mo na ngang dinadalhan ng pasalubong ang mga anak niya pero ikaw pa rin ang mago-grocery habang bumabagyo dala-dala ang mga anim na plastic bag.
--Ikaw din ang titingin sa email address niya para tignan kung may mga bagong trabaho.
--30 minutes a week ka lang pwedeng makanood ng gusto mong palabas.
--Hindi ka patutulugin ng madaling araw dahil inaaway niya ang asawa niya.
--Minsan, kapag ayaw kumain ng anak niya, ikaw ang magpapakain d’un dahil papagalitan niya lang at iiyak lang ‘yung bata at lalong hindi kakain.
--Finals mo na bukas, at dahil kayo na lang ng pamangkin mo ang gising, no choice ka. Tuturuan mo pa ring magsulat ang nangungulit na bata kahit mamayang 11:30 ka na makapg-aral at iinom ka na lang ng kape.
--Buti na nga lang, may yaya na mga anak niya. Pero dati…….mas lalong impyerno.
--Pagdating mo galing school, mga alas-singko ng hapon at pagod ka pa at kulang sa tulog, papabilhin ka niya ng kung ano sa palengke, paghuhugasin ka ng mga nakatambak na pinggan at kawali, ipapasyal mo pa sa labas ‘yung dalawang bata dala ang stroller, at pag nakauwi ka na, maaabutan mo siyang naglalaro ng PS2 at kailangang ikaw pa rin ang magbantay sa mga anak niya.
--Pag hindi mo nagawa nang maayos ang mga inutos niya sayo, tadtad ka sa mura at mapapahiya ka lang at wala kang karapatang sumagot dahil, sasabog ang ulo niya sa galit kapag kinontra mo ang mga sinasabi niya.
--At pag umalis na daw sina Mama, siya na daw ang masusunod at papasunurin niya sa’kin ang mga anak niya kasama ng yaya nila para daw masolo niya yung bahay at sama-sama kaming mabubuhay sa impyerno ng kakapalan ng mukha niya habang siya ay nagpapasarap at umiinom araw-araw.
Sorry, pero sobra na. Hindi porke ikaw ang panganay eh hawak mo lahat ng bagay sa mundo at ikaw lagi ang masusunod. Ayoko na. Pagod na pagod ko. Para kong yosi na hinihithit mo kahit sagad na sagad na. At tao ako, hindi ako yosi.
Well, nagkabati kami dahil kinausap niya ko dahil uutang siya. At pati asawa niya, umuutang sa’kin. At dahil naaawa na ko sa asawa niya dahil kung tratuhin siya pag nagalit ay parang hindi rin siya tao at mas naiintindihan ko pa ang asawa niya kaysa sa kanya.
Pero ok lang. Maganda naman ang mood niya kapag nakainom at nakakaawa din minsan dahil sumasakit ang dibdib niya pag lasing siya at nagpapahilot yun sa’kin. Ewan ko ba. Kahit ganto, mahal ko pa rin ‘yun kahit papano, kapatid ko ‘yun eh. Kaya nga siya ang binilhan ng celphone nung birthday ko dahil sabi ko, makakatiis pa ko sa phone ko at siya na lang ang ibili. Madalas naman kami mag-asaran eh, at masaya kapag nagkukulitan kami. Kaya minsan, naiisip ko din na siguro hangga’t may kaya akong ibigay, ibibgay ko.